Unti-unti, nauubos na naming muli ang natitirang katiting kong kumpiyansa sa sarili. Hindi ko alam ang rason bakit palagi na lang akong dumarating sa punto na ‘to ng buhay ko kahit na ba anong pag-iwas ang gawin ko. Bakit nga ba? Ano ang mali? Buhat ba ito ng mga tao sa paligid ko? O bunga ng palagian kong pagkukumpara sa aking sarili sa mga katangian ng iba gayong batid ko naman na hindi ako kagaya nila? Siguro, nasa akin ang mali. Siguro, ako rin talaga ang tunay na dahilan bakit ako umaabot sa yugto na ‘to. Siguro kung iniisip ko lang at sinasabi sa sarili ko na kaya ko; na kaya kong higitan kung ano man ang ginagawa nila; at kaya kong abutin ang mga pangarap ko, mas magiging madali ang pagtanggap ko sa pagulong-gulong na reyalidad.

Ngunit sa kasamaang palad, hindi ko magawa. Lalo ko lamang minamadali ang sarili ko kaya naman nadaragdagan at nagpapatong-patong ang mga dahilan upang maupos ang kumpiyansa ko sa sarili. Paano ba ito pahintuhin? Paano ba unti-unting baguhin ang takbo ng isipan ko nang sagayon maging positibo ang tingin ko sa araw-araw—positibo na tama ang tinatahak kong landas upang makamit ang mga pangarap ko? Paano nga ba?

 

Kung tutuusin, mapalad ako. Buhay ako. Buo ang pamilya ko. May mga kaibigan akong nandyan para sa akin. May trabaho ako. Maliit man, ang mahalaga ay may sahod ako na panggastos. May nag-aantay na promosyon. Pero bakit ganito pa rin ang pakiramdam ko? May kulang. Hindi kuntento. Hindi masaya. Dapat ko ba itong isisi sa ugali ng halos lahat ng tao na hanapin ang wala sa kanila? O sa sarili ko lang para sa patuloy na paghahanap ng mga bagay na maaari namang dumating sa buhay ko sa tamang panahon, kung matututunan ko lang magtiis at mag-antay?

 

Umuusad ang oras. Nauubos sa araw-araw. May nangyayari ba? Siguro at patuloy ko lang iyong binabalewala sa pagkata tuon ang utak ko sa isang malaking larawan na napakatagal na pahanon pa ang gugugulin bago makumpleto ang matitingkad na kulay. Umaandar ang oras. Paano na? Hahayaan ko lang baa ng sarili kong ganito? O mas mainam na umpisahan ko nang baguhin ang takbo nito?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s