Paano nga kaya?

Araw-araw, usok, polusyon, mabigat na daloy ng trapiko at ingay ng kalsada ng Maynila ang sinasalubong ko sa pagbyahe papunta sa opisina at pauwi sa apartment. Madalas, dumarating sa punto na nababagot na ako sa byahe kaya naman upang maibsan ang kabagutan na ‘yon, nakikinig ako ng mga tugtugin na tunay na nakakalibang. Kadalasan din, sa ganoong pagkakataon, maraming bagay ang tumatakbo sa isip ko. Marami akong nakikita, nakakasabay at nakakasalubong na iba’t ibang uri ng tao. Minsan ay naiisip ko paano kung isa sa mga taong iyon ang susunod na lider ng bansa? Ang lider na babago sa sistema ng gobyerno? Ang lider na magtutuwid ng mga baluktot na paniniwala at gawi? Ang lider na siyang magtatangay sa ating lahat sa rurok ng tagumpay at kaunlaran? Paano kung isa siya sa mga kasabay kong pasahero? Paano kung isa siya sa mga batang lansangan na hindi pa lamang nabibigyan ng pagkakataon? Paano kung isa siya sa mga estrangherong nakakasalubong ko? Paano kung ako pala ang taong iyon? Paano kung ikaw iyon na siyang nagbabasa nito? Paano nga kaya?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s