Bakit mahirap matulog?

Masarap matulog, ‘di ba? Libre ‘to pero bakit napakahirap nitong gawin?

Bakit nga ba? Ito ang ilan sa mga nakikita kong dahilan bakit napakahirap gawin ng tulog kahit na libre naman ‘to. 

  1. Maraming Iniisip- Siyempre, given na ‘yan. Kahit na pagod ang katawan mo, kung gising na gising naman ang diwa mo kakaisip ng kung anu-anong mga bagay, wala pa rin. Hindi ka talaga makakatulog.
  2. Music- Iyong iba sa ‘tin nakikinig ng music para makatulog agad, pero minsan isa pa ‘to sa nagiging dahilan bakit hindi tayo makatulog kasi nga sa bawat kanta na naririnig natin, may mga memories o certain people tayo na naalala. Panibagong dahilan na naman ‘yon para magising ang diwa mo.
  3. Ingay- ‘yan, isa rin ‘yan sa mga madalas sanhi bakit hindi kaagad makatulog ang isang tao. May mga tao kasi na sensitibo pagdating sa ganyan. Iyong tipong dapat tahimik na tahimik ang paligid bago sila makatulog. Bakit hindi kaya sila pumunta sa sementeryo nu?
  4. Panahon- Kalaban din minsan ng tao ang panahon pagdating sa pagtulog. Ang hirap gumawa ng tulog kapag sobrang init ng panahon, ‘di ba? 
  5. May Katabi- Bad trip kaya ang ganito! Iyong sobrang likot ng katabi mo. Galaw ng galaw na parng kiti-kiti. Uy, uso po magpatulog! Hindi lang ikaw ang may kailangan n’yan! 
  6. Excited at iba pang feelings- Pasok din ‘to sa listahan bakit hindi madalas makatulog ang isang tao. Tipong samu’t sari ang nararamdaman n’ya. Tipong excited para sa pasukan, field trip, gala at kung ano pa man. Hindi siya makatulog kasi ina-anticipate na n’ya ang mga bagay-bagay na p’wedeng mangyari sa kinabukasan.

via: redserpent42

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s